Martes, Setyembre 18, 2012

Trailer Script


Trailer Script (approx. length 3 minutes)
Scene 1 (approx. 15 sec)
(Bago ang 1st period)
Setting: umaga, 7:45, school grounds
Oufit: Standard School uniform
Joan: (tumatakbo) ala,late na naman ako, ano ba yan, magagalit na naman si ma’am (tumingin sa relo at may nabanga) Ouch! (natumba)
Ryan:  Ay sorry,hindi kasi ako tumitingin sa daan,(iniabot ang kamay) nasaktan ka ba, uhm, uhm
Joan: (kinuha ang kamay at tumayo) Joan,uhm hindi ok lang ako, pasensya ka na rin
Ryan: Osige, mauna na ako ha (umalis)
Joan:  sige, (smiling) uh, late na ako!!!! (tumakbo papunta sa silid- aralan)
Scene 2 (approx. 20 sec)
Setting: Inside the classroom, lunch break
Joan: Teh, may good news ako sa iyo, nakabangga ko siya kanina.
Rhea: Sinong siya?
Joan: Si Ryan
Rhea: So?
Joan: Tinulungan niya akong tumayo, gosh, ang saya
Rhea: Iyon lang? Ang babaw naman
Joan: Iyon nga lang ang ouch kasi hindi niya ako kilala, kahit magkaklase kami.
Rhea: Ah, kawawa ka naman
Joan: Oo na, ako na talaga, ako nang kawawa
Scene 3 (approx 30 sec)
Setting: Joan’s house
Kasuotan: pambahay na kasuotan
Aling Veronica: Anak naman, ano ba naman itong grades mo. Tignan mo naman oh, top 48 ka manen, buti pa yung BFF mo na si Rhea, top 2 overall. Anyamet!
Joan: Inay, 1st grading pa lang naman po.
Aling Veronica: Sus Maryosep Santiama! Lagi ka namang top student noong elementary ka ah, hindi ka pa rin ba makaget-over sa pagkawala ng tatay mo? Sa tingin ko kailangan mo nang bumangon anak, kailangan mo nang lampasan ang hamon na ito. Tignan mo marami kaming umaasa sa iyo, si Bella mag-aaral na sa susunod na pasukan, si Andrea mag-hahayskul na, si-
Joan: Opo ma, alam ko po. Hindi bale ma, babawi po ako to the highest level, pangako.
Scene 4 (approx. 30 sec)
Setting: Gabi, sa bahay
Joan: Over ang daming assignment at quizzes, hayaan mo na mangongopya na lang ako kay Rhea bukas, matutulog na lang ako. (humiga, pause, then bumangon) Ano ba Joan, kailangan mong bumawi, para kay mama at kay Ryan na 2 years mo nang pinagmamasdan,(umalis sa kama at nagsimula nang nagreresearch sa internet, nagbabasa ng notebooks, handouts and books until 12: 30) Natapos din, makatulog na nga.
Aling Veronica: (sa pintuan) Mabuti naman at nagsisipag ka, sana ipagpatuloy mo iyan, para naman bumalik ka sa honoralls.
Scene 5(approx 22 sec)
Rhea: (hugs Joan) Congratulations girl!
Joan: Para saan?
Rhea: Ikaw ang top 1 sa buong SSP!
Joan: (stares) Weh di nga, makapagloko wagas.
Rhea: Totoo ngay, promise! Tanungin mo pa kay ma’am
Joan: Sure ka? Sige nga puntahan ko si ma’am (excited na umalis)
Rhea: Sige! (sarcastic) Bye Joan. (evil smile)
Scene 6 (approx 30 sec)
Setting: classroom
Rhea: (nakita si Ryan na nakaupo) Psst! Ryan!
Ryan: (lumingon) Bakit? Anong kailangan mo?
Rhea: (pinaupo) Gusto mong mabawi ang puwesto mo? As top 1 overall?
Ryan: Obvious naman eh hindi ba? Sobra nga akong napagalitan ni mama nung nalaman niyang bumaba ako, higit pa diyan, kinukumpara pa ako sa mga ate at kuya ko.
Rhea: Matutulungan kita (evil smile)
Scene 7 (Approx 10 sec)
Ipakikita sa eksenang ito ang rank ni Joan sa silid- aralan as rank number 15 sa 4th grading ng 3rd year, samantalang si Ryan ang top 1 at Rhea sa top 2.
Scene 8 (approx 18 sec)
Setting: sa kuwarto ni Joan
Joan: Argh!!!! (naiiyak) Bakit Rhea? Bakit? (napaupo)Akala ko tunay kang kaibigan, ilalaglag mo rin pala ako. Humanda kayo, sa fourth year, ibang Joan ang makikita niyo. Babawi ako, (smile)
~~~~~FIN~~~~~
Aral na Napulot: Lahat ng mga imnposibleng bagay ay maaaring maging posible sa pamamagitan ng pagiging seryoso at determinado upang makamit ang mga panagarap na ito. Kung ika’y nasa tamang landas, at iyong gagawin ang iyong makakaya upang abutin ang iyong mga pangarap sa tuwid at marangal na paraan, na hindi nandaraya at hindi tumatapak sa iba, sigurado ang iyong tagumpay. Huwag mong haluan ng masamang intensyon o hindi kanais-nais na paraan ang iyong determinasyon upang hindi ka bumagsak.
Symbolism: Ang ginamit na pakikipagsabwatan ng dalawang magkaklase upang pabagsakin ang isang kamag-aral ay hindi madalas na nangyayari sa panahon ngayon. Ngunit ang sitwasyong ito ay isa lamang halimbawa o patunay na kahit sa paaralan, kung ang isang mag-aaral ay tumataas, mayroon at mayroon pa ring mga ibang kaklaseng umaaligid upang mapabagsak ang umaangat na estudyanteng ito. Isa lamang itong patunay ng Crab Mentality.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento